Posts

Talumpati sa Pagpapakilala sa Sarili

     Bawat hakbangin natin sa ating buhay ay maaaring may magandang resulta o masama ngunit ito ay nakabatay sa ating gagawing desisyon sa buhay.      Isang mapagpala at magandang araw sa ating lahat. Sa araw na ito, hayaan niyo akong ipakilala ang aking sarili. Ako ay nagmula sa Proper 1, Malaya, Naujan, Oriental Mindoro na may edad na 19 na taong gulang. Ako ay panganay sa apat na anak nina G. Andro Marasigan at Gng. Anabel Marasigan. Nagtapos ng elementarya bilang honor student sa mababang paaralan ng Eufracio Carmona Elementary School. Nagpatuloy ng sekondarya sa Doroteo S. Mendoza Sr. Memorial National High School at kumuha ng General Academic Strand (GAS) sa nasabing eskwelahan. Patuloy na nag-aaral ng kolehiyo sa nag-iisang unibersidad sa probinsya ng Oriental Mindoro, ang Mindoro State University at kumukuha ng kursong Batsilyer ng Sekondaryang Pang-edukasyon na kung saan ay nasa ikalawang taon na. Malugod kong ipinapakilala ang aking sarili, Bb. Rh...

Uri ng Talumpati

  Talumpating Pampalibang PAUSO      Sabi ng mga taong may-edad na, ang mga kabataan daw ngayon ay ibang-iba sa kabataan noon. Mas inaatupag pa ang kapusukan kaysa pag-aaral, para bang isinasabuhay na ang sabi ng Globe na “Go lang nang go” dala narin siguro ng modernisasyon sa ating mundo. Hindi natin sila masisisi kung ganoon na lamang ang kanilang naisambit sapagkat minsan ng sinabi ni Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, at hindi rin natin maiaalis sa ating mga magulang o yaong mga naunang henerasyon na mag-alala sa tuwina dahil sa mga nakikita nilang gawain ng mga kabataan ngayon, na kung tawagin ng karamihan ay “Selfie para sa ekonomiya”. Tanong ko lang paano nga ba nakakatulong ang selfie para sa pag-unlad at paglago ng ating ekonomiya?      Ayon sa isyu ngayon, ang mga kabataan daw ay hindi makasagot kapag tinatanong tungkol sa kasaysayan pero kapag isyu tungkol kina Aldub at Pastillas girl, agad-agaran ang kasagutan. Pati na rin ang tung...

PANAHON NG LAKAS BAYAN HANGGANG KASALUKUYAN

 Panaginip na Gising ni Silvestre M. Punsalan Marami ka nang nabasa at narinig tungkol sa mga pangyayari noong nakaraangdigmaan. Marami sa mga kaibigan mo, kapit-bahay, at kahit di kakilala, ang namatayan,nasugatan, nasunugan, at nawalan. Dahil sa mga pangyayaring ito, sa sandal ng iyong pagtataka, nagtatanong ka . . . bakit? Iniisip mo, “akala ko marunong ang Diyos, maawainat kasukdulan ng lahat ng dangal at kabanala.” Totoo kayang kagustuhan din niya ang bagsik ng digmaan at ang mga pagkakataong nagpapalabas ng magaspang na katibayanng kalupitan ng tao: ang paglaplap ng laman, ang pagdukot ng mata, ang pagtapos nghita, ang hatiin ang ng dalawang kalabaw, ang pagbunot ng buko, ang paggilit ng leeg,ang paglagari ng balikat, ang pagbali ng tadyang sa pamamagitan ng palupalo- totoo kayana lahat nito at iba pang nagawa na hindi nangyari kahit sa panaginip mong nilalagnat . . . totoo kayang kagustuhan din ng Diyos ang lahat? Mga tanong na hindi mo masasagotdahil sa tatlong taon ng pana...

PANAHON NG BATAS MILITAR AT BAGONG LIPUNAN

 Ang "Pasakalye at Pasakali" ni Virgilio Almario Pinupuna ng akda ni Virgilio Almario na “Ilang Pasakalye/Pasakali sa Imbestigasyon” ang pagbabasa ng isang tekstong pampanitikan sang-ayon lamang sa kasaysayan o sa ibang salita ang pagtingin sa panitikan bilang tahas na “salamin ng buhay.” Sinabi niya na limitado’t arbitraryo ang sapilitang paghubog sa panitikan bilang kakambal o matimyas na kakambal ng kasaysayan ng lipunang Pilipino. Sa ganitong pananaw, nagiging “anak ng kasaysayan” ang panitikan at lumalabas na isang sangkap na pasibo at sunod-sunuran sa daloy, kislot at ragasa ng kasaysayan. Nawawalan ang panitikan ng kaakuhan at namamatay sa labas ng anino ng kasaysayan.  Sintomas ng ganitong kalagayan ang nakamihasnang pagtuturing sa mga nobela ni Jose Rizal sa loob ng silid-aralan. Sa isa sa mga sanaysay ni Soledad S. Reyes sa “Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular” binanggit niya na sa kasalukuyan, tila bilang mga dokumentong historikal lamang ang mga pagtinging g...

PANAHON NG HAPON

 Kayumanggi ang Iyong Kulay ni Alejandro G. Abadilla Ikaw, Huwan, ay kayumanggi. Iyan ay katotohanang hindi mo maaring itatwa: ang ikaw ay kayumanggi, hindi puti ni hindi dilaw. Damhin mo ang kahalagahan ng iyong kulay. Ibangon mo ang iyong paniwala ang karangalan at kadakilaan ng iyong lahi--iyang iyong pagiging kayumanggi. Datapwa, kung ang pagbabangon ay nangangahulugan ng pagkakaroon mo ng bagong paninindigan ukol sa kulay, bakit hindi ka makabangon ngayon, Huwan? Bakit hindi hanggang may pagkakataon ay kumilos ka? Ngayon ang pagkakataon para sa iyo--magbangon ka, magbago ka ng paniniwala! Mag-aral ka, pag-aralan mo ang iyong kasaysayan. Ipamamata sa iyo ng iyong kasaysayan bilang tao at bilang lahi na ikaw ay may sariling katulad niya: na ikaw, sa kabila ng mga dantaong pagkalukob niya sa iyo, ay taglay mo rin ang sariling bigay ng kalikasan, at sa gayon, hangga ngayon, ay nananalaytay sa iyong ugat ang iyong matandang kaugalian, kultura, wika, at sining, na buong liwana...

PANAHON NG AMERIKANO

 Maling Edukasyon sa Kolehiyo ni Jorge Bacobo Maari kong sabihin na higit na mahusay ang edukasyon ng naunang salin-lahi. Sinabing nakakatanda sa atin, at sila ay may katuwiran, na hindi nililinang ng bagong edukasyon ang puso, di tulad ng naunang edukasyon. Panghuli, pinalalabo ng ganitong espesialisasyon, na nakapako sa tagumpay sa propesyon sa hinaharap ang pananaw sa buhay. Nanganib na maging makitid at di-tungkol lamang sa maalwang buhay na material. Oo nga’t kailangan nating maging praktikal. Hindi natin lubusang masasagot ang katanungan kung hindi natin lilinangin ang wastong saloobin at paniniwala, at nang sa gayon ay maihiwalay natin ang latak sa ginto, ang ipa sa palay ng buhay. Dapat nating isagawa ito hindi pagkaraan ng pagtatapos kundi bago magtapos sa unibersidad; sapagkat, kung tapos na ang lahat, ang suma at kakanyahan ng edukasyon ay ang purmulasyon ng layunin ng buhay, kalakip ang tangingkasanayan sa isang aspekto ng karunungan upang magkaroon ng katuparan ang lay...

PANAHON NG HIMAGSIKAN

 Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog ni Gat Andres Bonifacio Itong Katagalugan, na pinamamahalaan nang unang panahon ng ating tunay na mga kababayan niyaong hindi pa tumutulong sa mga lupaing ito ang mga Kastila, ay nabubuhay sa lubos na kasaganaan, at kaginhawaaan. Kasundo niya ang mga kapit-bayan at lalung-lalo na ang mga taga-Japon (=Japan), sila’y kabilihan at kapalitan ng mga kalakal, malabis ang pagyabong ng lahat ng pinagkakakitaan, kaya’t dahil dito’y mayaman ang kaasalan ng lahat, bata’t matanda at sampung mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng talagang pagsulat nating mga Tagalog. Dumating ang mga Kastila at dumulog na nakipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat na diumano, tayo’y aakayin sa lalong kagalingan at lalong imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing nagsisipamahala ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghibo. Gayon man sila’y ipinailalim sa talagang kaugaliang pinagkayarian sa pamamagitan ng isang panunumpa na kumuha ng kaunting dugo sa kani-kan...