PANAHON NG LAKAS BAYAN HANGGANG KASALUKUYAN
Panaginip na Gising
ni Silvestre M. Punsalan
Marami
ka nang nabasa at narinig tungkol sa mga pangyayari noong nakaraangdigmaan.
Marami sa mga kaibigan mo, kapit-bahay, at kahit di kakilala, ang
namatayan,nasugatan, nasunugan, at nawalan. Dahil sa mga pangyayaring ito, sa
sandal ng iyong pagtataka, nagtatanong ka . . . bakit? Iniisip mo, “akala ko
marunong ang Diyos, maawainat kasukdulan ng lahat ng dangal at kabanala.” Totoo
kayang kagustuhan din niya ang bagsik ng digmaan at ang mga pagkakataong
nagpapalabas ng magaspang na katibayanng kalupitan ng tao: ang paglaplap ng
laman, ang pagdukot ng mata, ang pagtapos nghita, ang hatiin ang ng dalawang
kalabaw, ang pagbunot ng buko, ang paggilit ng leeg,ang paglagari ng balikat,
ang pagbali ng tadyang sa pamamagitan ng palupalo- totoo kayana lahat nito at
iba pang nagawa na hindi nangyari kahit sa panaginip mong nilalagnat . . . totoo
kayang kagustuhan din ng Diyos ang lahat? Mga tanong na hindi mo masasagotdahil
sa tatlong taon ng pananakop nasupil pati ang hibang mong pag-iisip.
Ngayon
sa mga tahimik mong sandal lumilingon ka sa nakaraan, binabalikan mo ang mga tanong
na hindi mo masagot noong mga sandal mong tulala, subali’t magkaparis ang ngayon
at ang noon, hindi mo rin sila masagot.
Hindi
mo alam sagutin kung bakit napahintulutan ng Diyos na puno nng lahat ngkabaitan
na mangyari sa sementadong daan ng maingay na Maynila ang mga ito:maraming
taong nabubuwal na hindi na makatayo, gumagapang sa tabi ng pader upangmarating
ang pampang ng ilog Pasig sa ilalim ng tulay ng “Quezon” sa Kiyapo at napupugto
ang hininga sa gutom. Ninais niyang doon mamatay upang kung magdaraanang taong
may natitira pang awa, sisipain ang patay upang mahulog sa ilog nang hindi
naibibili ng kabaong ng kanyang kamag-anak ang mga butong nakabalot ng balat na
sukatsanang tawaging bangkay.
Lumipas
ang mga malinaw mong sandal na parang mga sandaling tulala. Susukoka na! hindi
mo na kayang isipin ang maraming binigay na palaisipan sa iyo ngnakaraang
digmaan. Mahina ang loob mo.
Kung
kalian mo lang tiningnan ang pagpaparangalan ng nakalululang palasyo saating
baybay-dagat at nakita mo ring nakalublob sa putik ang kural-baboy
natinutulungan ng tao sa Tondo; minasdan mo ang nagpapakasawa sa pagkaing nasa
mga palamigan, malinis at maluwag na asoteya ng hotel sa tabi ng dagat dinadayo
ngmayaman, at nakita mo rin naman na nakatapak at nakapaligid sa maralitang
dulang angmaraming gutom na tinatawag ding tao; narinig mo rin naman ang
kaluskos ng maraminghindi mapakaling manggagamot na nagbabantay sa maysakit na
maraming ibabayad,malinaw mong narinig ang daing ng walang hinihintay na
naghihingalong may sakit nawalang gamot; nakapaligid ang maraming botikang puno
ng gamot ilang dangkal mula sahihigan niya. Nakita mong lahat iyan. Noon hindi
mo mauanawaan ang kahulugan nito.
Noong
dumating ang digmaan, sa mga nalilito mong sandal sa pinaglikasang pook,
marahan, maliwanag, matindi at maingay, dumaang lahat iyan sa iyong panimdim,
parang palabas na may kulay. Ikaw, naalis ang iyong pagtataka. Nalaman mo noon
namagkasingn halaga ang buhay ng may palasyo sa baybay-dagat at ang
nakabaluktot salamig sa dampang kugon; magkakulay din ang dugo nila.
Hindi
nangangayupapa ang kamatayan kahit sa nakasakay sa “Cadillac”. Pagkatapos mong
madalumat ang lahat pagkaraan ng ilang buwan, nagisnan mo anglamig ng Disyembre
na may dalang patalim at ang init ng tag-araw na nagsusunog ng balat. Ang
panahon ng buhay sa pamamagitan ng digmaan at kamatayan ang naniningilng
pautang. Natauhan ka sa katutuhanang nakita mo dahil hindi pala palabas na
maykulay kundi tunay na dugong tumutulo at tunay na buhay na namatay sa patalim
ng galitat paghihiganti.
Naisip
mo noon na baka kagustuhan din ngn Diyos ang digmaan upang ipakilalasa mga
palalo na sa mundo mayroon pang ibang bagay maliban sa kanilang sarili.
Ngayon,
hindi ka na natatakot dahil sinasabi ng iyong puso na sa lahat hindilaganap ang
ngayon, na ang kahapon ay hindi sukatan ng bukas, at ang bukas ngayonlang ng
kahapon ng bukas ngayon . . . dahil malikmatang lahat ng panaginip ng
gisingn.Pati na ang digmaan.
REPLEKSYON
Sa bawat masasamang pangyayaring nagaganap sa ating buhay, minsan ay nababanggit natin ang Diyos na siya ang may kagagawan nito, na kanya na tayong pinababayaan. Maraming dahilan ang Diyos kung bakit niya ginagawa ang mga nangyayari sa nvayon. Maaaring nais niyang maging matatag at matapang tayo sa lahat ng oras. Binibigay niya ang mga pagsubok na ito dahil alam niyang mapagtatagumpayan natin ito sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya.
https://www.academia.edu/33735483/Final_book_sanaysay
Comments
Post a Comment