PANAHON NG AMERIKANO
Maling Edukasyon sa Kolehiyo
ni Jorge Bacobo
Maari kong sabihin na higit na mahusay ang edukasyon ng
naunang salin-lahi. Sinabing nakakatanda sa atin, at sila ay may katuwiran, na
hindi nililinang ng bagong edukasyon ang puso, di tulad ng naunang edukasyon. Panghuli,
pinalalabo ng ganitong espesialisasyon, na nakapako sa tagumpay sa propesyon sa
hinaharap ang pananaw sa buhay. Nanganib na maging makitid at di-tungkol lamang
sa maalwang buhay na material. Oo nga’t kailangan nating maging praktikal. Hindi
natin lubusang masasagot ang katanungan kung hindi natin lilinangin ang wastong
saloobin at paniniwala, at nang sa gayon ay maihiwalay natin ang latak sa ginto, ang ipa sa palay ng buhay. Dapat nating isagawa ito hindi pagkaraan ng
pagtatapos kundi bago magtapos sa unibersidad; sapagkat, kung tapos na ang
lahat, ang suma at kakanyahan ng edukasyon ay ang purmulasyon ng layunin ng
buhay, kalakip ang tangingkasanayan sa isang aspekto ng karunungan upang
magkaroon ng katuparan ang layunin sa buhay sa isang mabisang paraan. Subalit,
paano natin maihahanay ang mga elementong ating pilosopiya sa buhay kung lahat
ng ating sandal ay iniuukol sa paggawa ng mga takdang aralin, sa mga
eksperimento sa laboratory, at kung walang tigil an gating pagtanggap ng mga
impormasyon? Muli, nararapat na magsiupo ang mga estudyante sa paanan ni Juan de
la Cruz nakakaunti ang pinag-aralan upang matutuhan nila ang tunay na
karunungan. Madalas siyang tawaging mangmang, subalit siya ang pinakamarunong sa
pinakamarunong,sapagkat natuklasan na niya ang hiwaga ng buhay. Nasa kanya ang
kaligayahan ng taong nakababatid ng dahilan kung bakit nabubuhay. Hindi taglay
ni Juan de la Cruz sa kanyang kababaang-loob ang adhika at ang “ambisyon na
labis ang taas”. Mapapahiya ang maarte at komplikadong alituntunin at gawi ng
mga edukadong babae at lalaki kung itatabi sa payak at matibay na mga katangian
ni Juan de la Cruz sa gitna ng kahirapan. Matibay na batayan sa isang
buhay-panlipunan ang pagmamahal niya sa kanyang tahanan, kalakip ang
walang balat-kayong katapatan. Napatunayan na rin ng kanyang pagmamahal sa
bayan. Maari bang matuto ang ating mga estudyante kay Juan de la Cruz, o baka
naman hindi sila pinagiging karapat-dapat na maging estudyante ni Juan de la Cruz ng ating edukasyon? Sa pagwawakas, napansin ko sa mga estudyante natin ang
nakagagambalang babala ng di-wastong edukasyon. Ilan ditto ang sumusunod:
kakulangan sa pansariling pasya at pagmamahal sa walang-lamang pilosopiya,
dahil na rin naman sa pagsamba sa pahina at nagmamadaling paghahanap ng mga
impormasyon; ang unti-unting pagkitil sa kakayahang maantig ng kagandahan at
kadakilaan, dahil na rin naman sa espesialisasyon; at ang pagpapabaya sa
tungkuling bigyang-katuturan ang pilosopiya sa buhay, na bungang labis na
emphasis sa pagsasanay tungo sa pagiging isang propesyonal.
REPLEKSYON
Ayon sa sanaysay, ang edukasyon ng hinaharap na panahon ay patungkol sa pagkamit ng propesyon na kung saan ay di katulad ng sa naunang panahon. Sinasabi rin dito na maralat lamang na maging praktikal tayo sa buhay natin ngayon. At bilang isang halimbawa ng taong mapamaraan, ginamit nilang halimbawa si Juan dela Cruz sapagkat alam na nya ang hiwaga ng buhay ng isang tao.
https://www.academia.edu/33735483/Final_book_sanaysay?fbclid=IwAR2g64ZLaq8PrBmJLSJPvjB6Ok9pOUhplQu0OJrZeD0G8o7MT8tASFgx8Dw
Comments
Post a Comment