Uri ng Talumpati

 Talumpating Pampalibang

PAUSO

    Sabi ng mga taong may-edad na, ang mga kabataan daw ngayon ay ibang-iba sa kabataan noon. Mas inaatupag pa ang kapusukan kaysa pag-aaral, para bang isinasabuhay na ang sabi ng Globe na “Go lang nang go” dala narin siguro ng modernisasyon sa ating mundo. Hindi natin sila masisisi kung ganoon na lamang ang kanilang naisambit sapagkat minsan ng sinabi ni Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, at hindi rin natin maiaalis sa ating mga magulang o yaong mga naunang henerasyon na mag-alala sa tuwina dahil sa mga nakikita nilang gawain ng mga kabataan ngayon, na kung tawagin ng karamihan ay “Selfie para sa ekonomiya”. Tanong ko lang paano nga ba nakakatulong ang selfie para sa pag-unlad at paglago ng ating ekonomiya?

    Ayon sa isyu ngayon, ang mga kabataan daw ay hindi makasagot kapag tinatanong tungkol sa kasaysayan pero kapag isyu tungkol kina Aldub at Pastillas girl, agad-agaran ang kasagutan. Pati na rin ang tungkol kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, ay kaagad na nakasasagot, Edi wow! Ganito na pala ngayon, marami na ang nakalimot sa kung sino ang mga taong nagbigay ng kalayaan sa atin noong unang panahon. Nakalulungkot aminin na marami na rin sa mga kabataan ngayon ang nagdadalantao na kahit sa murang edad pa dahil sa akala nilang natagpuan na nila ang kanila forever. Sabi nila sa isa’t isa, “mahal kita,” hindi man lamang inisip na mahal din ang kilo ng bigas. Isa pa, sabi nila, “hindi ako mabubuhay kung wala ka,” tanong ko, bakit dati nung wala siya ay nabuhay ka? Sagot naman ng mga kabataan, “walang makakapigil sa amin…” ay! Myembro pala ng pabebe girls. Halos lahat nalang ay nakikisali na sa pauso, isali na rin natin ang kalye serye ng Aldub na dumaragdag sa trapik sa Manila, marami na ang pumapag-ibig ngayon, kaya alam kong kilig much kayo pagdating sa kanila, pero ‘wag padadala ha? Dahil walang forever. Sa halip na ituon natin ang ating pansin sa mga bagay na ito, bakit ‘di nalang sa bagay o gawain na makapagpapatunay sa sinabi ng ating bayaning si Rizal? Patunayan natin na tayong mga kabataan ay talagang pag-asa ng bayan.

    Mas alam pa natin ang pabebe wave ni yaya Dub kaysa sa tamang pagtuwid at paglagay ng kamay sa dibdib tuwing kinakanta ang pambansang awit. Puro tayo share sa facebook ngunit hindi man lang tayo makapagbigay sa mga taong nangangailangan sa tulong natin. Dahil mga uso ang pinag-uusapan natin, isali na rin natin ang tungkol sa nalalapit na eleksyon, marami na ang nagsisilitawan na mga ala wondergirls na kumakanta sa ating bayan ng “I want nobody, nobody but you,” na sinasagot niyo rin ng “I love the way you lie.” O diba, talagang napakaraming uso ngayon, kaya pati grado ay nakikiuso na rin sa mapupulang labi ng mga estudyante. Nawa’y imulat natin ang ating mga mata, marami man ang bago sa kasalukuyan, huwag nating kalimutan ang nakaraan at ang ating kasaysayan.

https://enriquezleah25blog.wordpress.com/2015/10/20/pauso-talumpating-nanlilibang/


Talumpating Nagpapakilala

    Isang kaaya-aya at pinagpalang araw po sa inyong lahat. Sa hapon pong ito, ating makikilala ang ating taga-pagsalita na isang mabuting mag-aaral ng La Consolacion University Philippines. Siya ay nagmula sa Grand Royale Subd., Pinagbakahan, City of Malolos, Bulacan. Siya ay may edad na 18. Pangalawang anak nina G. Roger Robles at Gng.Carlota Robles. Nagtapos siya bilang honor student sa pagka-elementarya sa Mary the Queen School of Malolos. Pinagpatuloy naman niya ang pagka-sekondarya sa Marcelo H. del Pilar National High School at kasalukuyang kumukuha ng Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM) sa ating pinakamamahal na paaralan ang - La Consolacion University Philippines. Malugod ko pong ipinapakilala sa inyo ang ating panauhing tagapagsalita, palakpakan po natin siya Bb. Alyssa R. Robles.

https://pdfcoffee.com/talumpating-pagpapakilala-pdf-free.html


Talumpating Pangkabatiran

    Maraming mga sakuna ang nagdaraan taon-taon sa ating bansa. Ang mga sakunang ito ay hindi natin inaasahan at ni hindi natin batid kung kailan ito darating. Walang sino man ang nakaaalam o makapagsasabi kung kailan hahagupit ang mga sakunang ito kundi isang Bathalang makapangyarihan na siyang lumikha. Minsan na rin tayong hinagupit ng isang sama ng panahon gaya na lamang ng bagyo. Isang sakunang hindi mo inaasahan at sa paghagupit ng sungit ng panahong ito, kulang ang kahandaan ng Bansa at bawat isa sa atin kaya naman maraming buhay ang nawala, mga buhay na walang kamuwang muwang na sasapitin nila ang ganitong pangyayari, mga musmos na nawalan ng pangarap at mga magulang na animoy pinagtakluban ng langit at lupa dahil sa sinapit ng mga mahal sa buhay. Ganitong mga pangyayari ang nagaganap sa tuwing dadaan ang isang sungit ng panahon. Sanay ang mga pangyayaring ito'y tumatak sa ating isip at magsilbing aral para sa atin. Kaya’t dapat maging handa tayo sa mga ganitong sungit ng panahon, maging handa sa lahat ng oras at bagay.Habang nariyan ang liwanag ng araw magsagawa ng mga paghahanda upang di na muling maranasan pa ang dinanas ng iba, maging matalino, maging handa at laging  manalangin sa poong lumikha.

https://brainly.ph/question/1771494

 

Talumpating Nagbibigay-galang

    May mga mahal tayo sa buhay na piniling lumayo sa sariling bayan upang maghanap ng mas maaayos na ikabubuhay, pinili nila ang mangibang bayan para takasan ang paghihirap na kanilang nararanasan hindi para makaranas ng buhay na mas masaya kundi dahil batid nilang mas magiging maganda ang kinabukasan ng kanilang mga inawang mahal sa buhay dito sa lugar na tinubuan. Ngunit sa kanilang mga pagtitiis, sa mga hirap at lungkot na kanilang dinaranas sila'y nagiging matatag at kanilang napapatunayan sa pamamagitan ng pag-balik sa lupang kinagisnan kung saan-mga ngiting kay tamis ang masisilayan sa mukha ng kanilang mga kadugo na animo'y palakang sabik sa ulan kayat para sa aking mga magigiting at masisipag na kamag anak na nangingibang bayan at ngayo'y narito nang muli sa ating harapan. Maligayang pagbabalik.

http://akoaymakatangfilipino.blogspot.com/2014/05/mga-iba-ibang-uri-ng-talumpati.html


Talumpating Nagpaparangal

Papuri sa mga Bagong Bayani

    Taong 2020, isang taon na puno ng malaking pagbabago at pagsubok. Ang lahat ay kinakailangan magbago at makibagay sa kasalukuyang panahon. Bagama’t ang lahat ay nakakaranas nito, nais ko lamang bigyan ng kapurihan ang mga opisyal na namumuno sa bansa na patuloy na lumalaban upang maging maayos ang kinakaharap ng ating bansa. Gayundin ang mga mamamayang kabilang sa frontliner na patuloy na hinaharap ang panganib magampanan lamang ang kanilang mga tungkulin. Isa lamang sa mga maituturing na nararapat bigyan ng kapurihan ang mga tauhan sa larangan ng medikal, sila ang personal na humaharap sa mga pasyente upang mailigtas lamang ang mga buhay nito kahit alam nilang maaaring malagay sa panganib ang sarili nilang buhay. Sila ang mga itinuturing na bagong bayani ng kasalukuyang panahon.

 https://philnews.ph/2021/03/09/halimbawa-ng-talumpating-papuri-at-kahulugan-nito/


Talumpating Pampasigla

    May kanya kanya tayong mga pangarap na nais tuparin may mga taong nais maging Doktor, nais nilang makapang-gamot at sumagip ng mga hiningang naghihingalo, may mga taong gustong maging isang alagad ng batas na gustong tumulong upang puksain ang mga krimem at sanhi ng pagdami ng krimen nariyan din ang mga nangangarap na maging guro na gustong magbahagi ng kaalaman sa kanilang mga mag-aaral. Bawat isa sa atin ay may mga pangarap ngunit di natin ito matutupad kung tayo'y hindi magsisikap, ang tinutukoy na pagsisikap ay pagsisikap sa pag aaral. Dahil ang pag-aaral, hindi parang ngumunguya lamang ng mani, maraming dapat pag-daanan, maraming balakid sa pagtupad ng isang pangarap isa ay ang kakapusan ng panustos. Ang pag-aaral ay mistulang senaryo sa pagsakay sa isang pampasaherong sasakyan. Hindi mo mararating ang gusto mong patutunguhan pagka ikaw'y walang salaping panustos ngunit kahit may mga ganitong balakid huwag tayong mawawalan ng pag-asa upang abutin ang ating pangarap. Maging matatag at magsikap upang sa pagdating ng araw masisilayan din ang liwanag na inaasam.

http://akoaymakatangfilipino.blogspot.com/2014/05/mga-iba-ibang-uri-ng-talumpati.html

Comments

Popular posts from this blog

PANAHON NG BATAS MILITAR AT BAGONG LIPUNAN

PANAHON NG LAKAS BAYAN HANGGANG KASALUKUYAN