Talumpati sa Pagpapakilala sa Sarili

    Bawat hakbangin natin sa ating buhay ay maaaring may magandang resulta o masama ngunit ito ay nakabatay sa ating gagawing desisyon sa buhay.

    Isang mapagpala at magandang araw sa ating lahat. Sa araw na ito, hayaan niyo akong ipakilala ang aking sarili. Ako ay nagmula sa Proper 1, Malaya, Naujan, Oriental Mindoro na may edad na 19 na taong gulang. Ako ay panganay sa apat na anak nina G. Andro Marasigan at Gng. Anabel Marasigan. Nagtapos ng elementarya bilang honor student sa mababang paaralan ng Eufracio Carmona Elementary School. Nagpatuloy ng sekondarya sa Doroteo S. Mendoza Sr. Memorial National High School at kumuha ng General Academic Strand (GAS) sa nasabing eskwelahan. Patuloy na nag-aaral ng kolehiyo sa nag-iisang unibersidad sa probinsya ng Oriental Mindoro, ang Mindoro State University at kumukuha ng kursong Batsilyer ng Sekondaryang Pang-edukasyon na kung saan ay nasa ikalawang taon na. Malugod kong ipinapakilala ang aking sarili, Bb. Rhonalyn A. Marasigan.

Comments

Popular posts from this blog

PANAHON NG BATAS MILITAR AT BAGONG LIPUNAN

PANAHON NG LAKAS BAYAN HANGGANG KASALUKUYAN