Posts

Showing posts from April, 2022

PANAHON NG LAKAS BAYAN HANGGANG KASALUKUYAN

 Panaginip na Gising ni Silvestre M. Punsalan Marami ka nang nabasa at narinig tungkol sa mga pangyayari noong nakaraangdigmaan. Marami sa mga kaibigan mo, kapit-bahay, at kahit di kakilala, ang namatayan,nasugatan, nasunugan, at nawalan. Dahil sa mga pangyayaring ito, sa sandal ng iyong pagtataka, nagtatanong ka . . . bakit? Iniisip mo, “akala ko marunong ang Diyos, maawainat kasukdulan ng lahat ng dangal at kabanala.” Totoo kayang kagustuhan din niya ang bagsik ng digmaan at ang mga pagkakataong nagpapalabas ng magaspang na katibayanng kalupitan ng tao: ang paglaplap ng laman, ang pagdukot ng mata, ang pagtapos nghita, ang hatiin ang ng dalawang kalabaw, ang pagbunot ng buko, ang paggilit ng leeg,ang paglagari ng balikat, ang pagbali ng tadyang sa pamamagitan ng palupalo- totoo kayana lahat nito at iba pang nagawa na hindi nangyari kahit sa panaginip mong nilalagnat . . . totoo kayang kagustuhan din ng Diyos ang lahat? Mga tanong na hindi mo masasagotdahil sa tatlong taon ng pana...

PANAHON NG BATAS MILITAR AT BAGONG LIPUNAN

 Ang "Pasakalye at Pasakali" ni Virgilio Almario Pinupuna ng akda ni Virgilio Almario na “Ilang Pasakalye/Pasakali sa Imbestigasyon” ang pagbabasa ng isang tekstong pampanitikan sang-ayon lamang sa kasaysayan o sa ibang salita ang pagtingin sa panitikan bilang tahas na “salamin ng buhay.” Sinabi niya na limitado’t arbitraryo ang sapilitang paghubog sa panitikan bilang kakambal o matimyas na kakambal ng kasaysayan ng lipunang Pilipino. Sa ganitong pananaw, nagiging “anak ng kasaysayan” ang panitikan at lumalabas na isang sangkap na pasibo at sunod-sunuran sa daloy, kislot at ragasa ng kasaysayan. Nawawalan ang panitikan ng kaakuhan at namamatay sa labas ng anino ng kasaysayan.  Sintomas ng ganitong kalagayan ang nakamihasnang pagtuturing sa mga nobela ni Jose Rizal sa loob ng silid-aralan. Sa isa sa mga sanaysay ni Soledad S. Reyes sa “Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular” binanggit niya na sa kasalukuyan, tila bilang mga dokumentong historikal lamang ang mga pagtinging g...

PANAHON NG HAPON

 Kayumanggi ang Iyong Kulay ni Alejandro G. Abadilla Ikaw, Huwan, ay kayumanggi. Iyan ay katotohanang hindi mo maaring itatwa: ang ikaw ay kayumanggi, hindi puti ni hindi dilaw. Damhin mo ang kahalagahan ng iyong kulay. Ibangon mo ang iyong paniwala ang karangalan at kadakilaan ng iyong lahi--iyang iyong pagiging kayumanggi. Datapwa, kung ang pagbabangon ay nangangahulugan ng pagkakaroon mo ng bagong paninindigan ukol sa kulay, bakit hindi ka makabangon ngayon, Huwan? Bakit hindi hanggang may pagkakataon ay kumilos ka? Ngayon ang pagkakataon para sa iyo--magbangon ka, magbago ka ng paniniwala! Mag-aral ka, pag-aralan mo ang iyong kasaysayan. Ipamamata sa iyo ng iyong kasaysayan bilang tao at bilang lahi na ikaw ay may sariling katulad niya: na ikaw, sa kabila ng mga dantaong pagkalukob niya sa iyo, ay taglay mo rin ang sariling bigay ng kalikasan, at sa gayon, hangga ngayon, ay nananalaytay sa iyong ugat ang iyong matandang kaugalian, kultura, wika, at sining, na buong liwana...

PANAHON NG AMERIKANO

 Maling Edukasyon sa Kolehiyo ni Jorge Bacobo Maari kong sabihin na higit na mahusay ang edukasyon ng naunang salin-lahi. Sinabing nakakatanda sa atin, at sila ay may katuwiran, na hindi nililinang ng bagong edukasyon ang puso, di tulad ng naunang edukasyon. Panghuli, pinalalabo ng ganitong espesialisasyon, na nakapako sa tagumpay sa propesyon sa hinaharap ang pananaw sa buhay. Nanganib na maging makitid at di-tungkol lamang sa maalwang buhay na material. Oo nga’t kailangan nating maging praktikal. Hindi natin lubusang masasagot ang katanungan kung hindi natin lilinangin ang wastong saloobin at paniniwala, at nang sa gayon ay maihiwalay natin ang latak sa ginto, ang ipa sa palay ng buhay. Dapat nating isagawa ito hindi pagkaraan ng pagtatapos kundi bago magtapos sa unibersidad; sapagkat, kung tapos na ang lahat, ang suma at kakanyahan ng edukasyon ay ang purmulasyon ng layunin ng buhay, kalakip ang tangingkasanayan sa isang aspekto ng karunungan upang magkaroon ng katuparan ang lay...

PANAHON NG HIMAGSIKAN

 Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog ni Gat Andres Bonifacio Itong Katagalugan, na pinamamahalaan nang unang panahon ng ating tunay na mga kababayan niyaong hindi pa tumutulong sa mga lupaing ito ang mga Kastila, ay nabubuhay sa lubos na kasaganaan, at kaginhawaaan. Kasundo niya ang mga kapit-bayan at lalung-lalo na ang mga taga-Japon (=Japan), sila’y kabilihan at kapalitan ng mga kalakal, malabis ang pagyabong ng lahat ng pinagkakakitaan, kaya’t dahil dito’y mayaman ang kaasalan ng lahat, bata’t matanda at sampung mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng talagang pagsulat nating mga Tagalog. Dumating ang mga Kastila at dumulog na nakipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat na diumano, tayo’y aakayin sa lalong kagalingan at lalong imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing nagsisipamahala ay nangyaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghibo. Gayon man sila’y ipinailalim sa talagang kaugaliang pinagkayarian sa pamamagitan ng isang panunumpa na kumuha ng kaunting dugo sa kani-kan...

PANAHON NG PROPAGANDA

Ang Kadakilaan ng Diyos Ni Marcelo H. del Pilar “Di kailangan, kapatid ko ang magbukas ka’t bumasa ng pilosopiya o teolohiya at iba pang karunungan, upang maranasan mo ang kadakilaan ng Diyos.” “Sukat ang pagmasdan iyang di marilatang hiyas na inilaganap sa mundong pinamamayanan mo! Sukat ang pagwariin mo ang sarisaring bagay na rito sa lupa ay inihandog sa iyong kahinaan, pampawi sa iyong kalumbayan, panliwanag sa iyong karimlan, at aling makapangyarihang lumalang at namamahalang walang tigil sa lahat ng ito?” “Masdan mo ang iyong kaparangan, masdan mo ang mga halamang diya’y tumutubo, buhat sa hinahamak mong damo hanggang sa di-mayakap na kahoy na pinumumugaran ng ibon sa himpapawid; masdan mo’t pawang nagpapapahayag na ang kanilang maikli o mahabang buhay ay hindi bunga ng isang pagkakataon; wariin mo’t maranasan ang kamay ng Diyos, na naghahatid oras-oras sa mga halamang iyan ng dilig na ipinanariwa, ng init na nagbibigay lakas at pumipigil ng pagkabulok ng hangin at iba’t-iba pang...

PANAHON NG KASTILA

  Sa Katungkulan sa Bayan ni Padre Modesto de Castro Felisa : Si Honesto, kung makatapos na nang pag-aaral, matutong bumasa ng sulat, sumulat, cuenta at dumating ang kapanahunang lumagay sa estado, ay di malayo ang siya'y gawing puno sa bayan, kaya minatapat ko sa loob na isulat sa iyo ang kanyang aasalin. Kung siya'y magkakatungkulan, at ang sulat na ito'y ingatan mo at nang may pagkaaninawan kung maging kailagan. Ang mga kamahalan sa bayan, ang kahalimbawa'y korona na di ipinagkakaloob kundi sa may karapatan. Kaya di dapat pagpilitang kamtan kundi tanggihan, kung di mapapurihan; ang kamahalan at karangalan ang dapat humanap ng koronang ipuputong. Ang karangalan, sa karaniwan, ay may kalangkap na mabigat na katungkulan, kaya bago pahikayat ang loob ng tao sa pagnanasa ng karangalan, ay ilingap muna ang mata sa katungkulan, at pagtimbang-timbangin kung makakayanang pasanin. Pag-aakalain ang sariling karunungan, kabaitan at lakas, itimbang sa kabigatan ng katungkulan, at...