Posts

Showing posts from May, 2022

Talumpati sa Pagpapakilala sa Sarili

     Bawat hakbangin natin sa ating buhay ay maaaring may magandang resulta o masama ngunit ito ay nakabatay sa ating gagawing desisyon sa buhay.      Isang mapagpala at magandang araw sa ating lahat. Sa araw na ito, hayaan niyo akong ipakilala ang aking sarili. Ako ay nagmula sa Proper 1, Malaya, Naujan, Oriental Mindoro na may edad na 19 na taong gulang. Ako ay panganay sa apat na anak nina G. Andro Marasigan at Gng. Anabel Marasigan. Nagtapos ng elementarya bilang honor student sa mababang paaralan ng Eufracio Carmona Elementary School. Nagpatuloy ng sekondarya sa Doroteo S. Mendoza Sr. Memorial National High School at kumuha ng General Academic Strand (GAS) sa nasabing eskwelahan. Patuloy na nag-aaral ng kolehiyo sa nag-iisang unibersidad sa probinsya ng Oriental Mindoro, ang Mindoro State University at kumukuha ng kursong Batsilyer ng Sekondaryang Pang-edukasyon na kung saan ay nasa ikalawang taon na. Malugod kong ipinapakilala ang aking sarili, Bb. Rh...

Uri ng Talumpati

  Talumpating Pampalibang PAUSO      Sabi ng mga taong may-edad na, ang mga kabataan daw ngayon ay ibang-iba sa kabataan noon. Mas inaatupag pa ang kapusukan kaysa pag-aaral, para bang isinasabuhay na ang sabi ng Globe na “Go lang nang go” dala narin siguro ng modernisasyon sa ating mundo. Hindi natin sila masisisi kung ganoon na lamang ang kanilang naisambit sapagkat minsan ng sinabi ni Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, at hindi rin natin maiaalis sa ating mga magulang o yaong mga naunang henerasyon na mag-alala sa tuwina dahil sa mga nakikita nilang gawain ng mga kabataan ngayon, na kung tawagin ng karamihan ay “Selfie para sa ekonomiya”. Tanong ko lang paano nga ba nakakatulong ang selfie para sa pag-unlad at paglago ng ating ekonomiya?      Ayon sa isyu ngayon, ang mga kabataan daw ay hindi makasagot kapag tinatanong tungkol sa kasaysayan pero kapag isyu tungkol kina Aldub at Pastillas girl, agad-agaran ang kasagutan. Pati na rin ang tung...